Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 32:  ANG HULING PAGHUHUKOM

1. Itinalaga ng Diyos ang isang araw na dito ay huhukuman Niya ang sanlibutan sa katuwiran kay Jesu-Cristo na Siyang binigyan ng Ama ng buong kapamahalaan at kapangyarihang humatol.(1) Sa araw na ito, hindi lamang ang mga masasamang anghel ang huhukuman(2) kundi pati na rin ang lahat ng mga taong nabuhay sa sanlibutan. Sila ay haharáp sa hukuman ni Cristo(3) upang magbigay-sulit sa kanilang mga isip, mga salita at mga gawa, at upang tumanggap ng naaayon sa kanilang ginawa sa katawan maging mabuti o masama.(4)

  1. Juan 5:22,27; Gawa 17:31
  2. 1 Cor. 6:3; Jud. 6
  3. Mat. 16:27; 25:31-46; Gawa 17:30-31; Rom. 2:6-16; 2 Tes. 1:5-10; 2 Ped. 3:1-13; Apoc. 20:11-15
  4. Mat. 12:36; 1 Cor. 4:5; 2 Cor. 5:10

2. Ang layunin ng Diyos sa pagtatakda sa araw ng paghuhukom ay upang maipahayag ang kaluwalhatian ng Kanyang kahabagan sa walang hanggang kaligtasan ng Kanyang mga hinirang, at sa Kanyang katarungan sa walang hanggang kaparusahan ng mga sinumpa, na masasama at masuwayin.(5) Ang mga matuwid ay tutungo sa buhay na walang hanggan at tatanggapin ang kapuspusan ng kagalakan at kaluwalhatian na may walang hanggang gantimpala sa harapan ng Panginoon. Subali't ang mga masasama na hindi nakakakilala sa Diyos at hindi sumusunod sa ebanghelyo ni Jesu-Cristo ay itatapon sa walang hanggang pagdurusa. Sila ay parurusahan sa walang hanggang kapahamakan mula sa harapan ng Panginoon at sa kaluwalhatian ng Kanyang kapangyarihan.(6)

  1. Rom. 9:22-23
  2. Mat. 3:12; 5:26; 13:41-42; 18:8; 24:51; 25:21,30,34,41,46; Mar. 9:43,48; Lu. 3:17; 2 Tes. 1:7-10; 2 Tim. 4:8; Jud. 6; Apoc. 14:10-11

3. Sa isang paraan, upang patigilin ang lahat ng tao sa pagkakasala,(7) at sa isa naman upang magbigay ng higit na kaaliwan sa mga banal sa kanilang kahirapan,(8) ninanais ni Cristo na tiyak na malaman natin na may araw ng paghuhukom sa hinaharap. Dahil din dito, inililihim Niya ang petsa ng araw na yaon upang hindi magtiwala ang mga tao sa kanilang sarili. Sapagka't hindi nila nalalaman ang oras ng pagdating ng Panginoon,(9) sila ay palaging magbabantay at palaging maghahanda na sabihin, "Siya nawa, pumarito ka Panginoong Jesus!"(10)

  1. 2 Cor. 5:10-11
  2. 2 Tes. 1:5-7
  3. Mar. 13:35-37; Lu. 12:35-40
  4. Apoc. 22:20

 


For further study:

"Baptist Roots in America: The Historical Background of Reformed Baptists in America", Samuel E. Waldron, Simpson Publishing Co. (1991)

"A Modern Exposition of the 1689 Baptist Confession of Faith", Samuel E. Waldron, Evangelical Press, 1989


This website is designed for "frames".  If you are not in the frames
version, please click
HERE for the frames version home page

TRR HOME PAGE - NO FRAMES | TABLE OF CONTENTS - NO FRAMES

TOP OF PAGE